Tuesday, August 5, 2014

BOOKIES SA IBAAN, BATANGAS SI MAYOR NGA BA ANG PADRINO?

SA kabila ng mahigpit ang ginagawang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa lahat ng uri ng mga iligal na pasugalan ay patuloy naman na namamayagpag ang bookies ng STL ni Jerry Acebo ng Ibaan, Batangas.


Wala kasing ipinagmamalaki si Acebo kundi malakas siya sa kanyang ‘padrinong’ si Ibaan, Batangas Mayor Juan Toreja.


Halos buong bayan ng Ibaan ay lantaran ang operasyon ng bookies ni Acebo dahil walang sinoman ang nangangahas na humuli sa gambling operator na ito dahil nga wala siyang bukambibig kundi si Mayor Toreja.


Maging ang Regional Director ng Region-4A na si RD Gen. Jesus Gatchalian ay hindi makaporma dahil sa laging ipinangangahas ng nasabing kapitalista ang padrino nitong alkalde.


Walang sinoman daw na mga iligalista ang nagtatangkang pumasok sa teritoryo ni Acebo dahil kapag may nagtangkang pumasok ay ipinahuhuli niya ito sa mga pulis na kakampi ni mayor.


Totoo ba itong sinasabi ni Jerry Acebo, Mayor Toreja?


KALIWA’T KANANG BOOKIES SA MANILA


Sa halip na mabawasan ang mga nag-ooperate ng bookies ng karera sa Maynila ay mas lalong dumami ang mga bookies operator.


Kabilang sa mga bookies ng karera na isa-isang nagsulputan ay ang bookies ng isang nagngangalang Zaldy na may codename dati na double B.


Isang Tonton na dating Pacnoy na operator ay itong pulis na si PO2 Presnedi at Mia at Jeff na dating Ana at Pery ay may halos may tig-100 puwesto na ngayon sa iba’t ibang lugar sa Maynila.


Bukod pa sa bookies ni Chairman Rosales na ang pinakabase ay sa Sampaloc. Halos mahigit 100 na rin ang puwesto nito.


Ano ba ito, Manila Mayor Erap Estrada?


o0o

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/Johnny Magalona


.. Continue: Remate.ph (source)



BOOKIES SA IBAAN, BATANGAS SI MAYOR NGA BA ANG PADRINO?


No comments:

Post a Comment