Tuesday, May 27, 2014

Vietnam fishing vessel inatake ng China sa South China Seas

INATAKE ng barko ng China ang Vietnamese fishing vessel sanhi upang ito’y lumubog.


Sa insidente, nailigtas ang 10 mga tripulante sa Paracel Islands sa South China Sea.


Ayon sa Vietnamese coast guard, naganap ang insidente malapit lamang sa oil rig ng Beijing sa pinag-aagawan nilang Paracel Islands.


Ayon kay Vietnamese coast guard commander Nguyen Quang Dam, pinalibutan ng 40 mga barko ng China ang Vietnamese ship bago inatake.


Ang mga kalapit na barko ng Hanoi ang nagligtas sa 10 mga tripulante ng lumubog na barko.


Nabatid na ang paglagay ng Beijing ng oil rig sa pinag-aagawang teritoryo ay inalmahan ng Vietnam at kapwa nag-deploy ng mga barko ang dalawang bansa sa Paracel Islands.


Nitong mga nakaraang linggo, ilang insidente ng pagbomba ng water cannon ang ginawa ng China sa mga barko ng Vietnam.


The post Vietnam fishing vessel inatake ng China sa South China Seas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Vietnam fishing vessel inatake ng China sa South China Seas


No comments:

Post a Comment