SINASABING tatagal ng sampung taon ang pagdinig sa kaso na may kaugnayan sa pork barrel fund scam.
Ayon kay Atty. Raji Mendoza, abogado ng whistleblower na si Benhur Luy, dumarami ang pangalan na dumaragdag sa listahan ng mga sangkot sa anomalya.
Ginawa ni Mendoza ang pahayag bilang reaksyon sa pagsusumite ni pork scam queen Janet Lim-Napoles ng kanyang expanded affidavit sa Senado na 20 senador at 100 dati at kasalukuyang mambabatas ang nasasangkot dito.
Tiniyak ni Mendoza na magkukumahog ang Commission on Audit (COA) sa paghahanap ng mga ebidensyang susuporta sa mga isiniwalat ni Napoles laban sa mga mambabatas na nagparaan ng pork fund sa kanyang mga bogus na NGOs.
The post Pagdinig sa kaso ng pork barrel scam aabutin ng 10 taon appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment