Tuesday, May 27, 2014

VG Ramil Hernandez, nanumpa na sa pagpalit kay ER

NANUMPA na bilang bagong gobernador ng Laguna ang vice governor-elect na si Ramil Hernandez, kapalit ng pinaalis sa puwestong si Governor ER Ejercito.


Si Hernandez ay nanumpa sa harap ni Commissioner Elias Yusoph, sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila kaninang tanghali.


Ito’y matapos na iniutos na ng Comelec ang pag-upo ni Hernandez matapos na lumipas ang limang araw na palugit kay Ejercito na makakuha ng temporary restraining order (TRO).


Nabatid na hindi pa nakapagpalabas ng TRO ang Supreme Court (SC) bagama’t naghain na ng mosyon si Ejercito.


Ayon kay Hernandez, hangad niya ang mapayapang turnover sa pagitan nila ni Ejercito.


Ngunit sa ngayon, tensyonado ang kapitolyo sa Laguna matapos barikadahan ng mga tagasuporta ni Ejercito.


Si Ejercito ay na-disqualify matapos na gumastos umano ng sobra-sobra sa 2013 elections.


The post VG Ramil Hernandez, nanumpa na sa pagpalit kay ER appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



VG Ramil Hernandez, nanumpa na sa pagpalit kay ER


No comments:

Post a Comment