Tuesday, May 27, 2014

Kapulisan ipinakalat na sa pagbubukas ng klase

IPINALATAG na ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang sapat na bilang ng kapulisan sa lugar na malapit sa mga eskwelahan kaugnay na rin sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo.


Ayon kay NCRPO Director C/Supt. Carmelo Valmoria, sinimulan na nilang magpakalat ng mga pulis sa iba’t ibang lugar partikular sa mga malapit sa mga paaralan batay na rin sa isinasagawa nilang programa na “Oplan Balik Eskwela”.


Paliwanag ni Valmoria, maglalagay sila ng mga “Police Assistance Desk” sa bawat paaralan simula Hunyo 2 upang magbigay seguridad sa mga estudyante na magbabalik eskwela, gayundin upang agad silang makapagresponde sakaling mangailangan sila ng tulong sa loob o labas ng eskwelahan.


Pinaalalahanan naman ni Valmoria ang mga estudyante na magdoble-ingat at umiwas sa anomang kaguluhan tulad ng pagsali ng Fraternity, grupo ng mga gangsters at iba pang samahan na walang maitutulong na maganda sa kinabukasan ng mga mag-aaral.


Ayon pa sa opisyal, makikipag-ugnayan din umano ito sa mga namamahala sa mga paaralan upang pakiusapan na magtalaga sila ng kani-kanilang mga guwardiya na susubaybay at magbabantay sa mga estudyante ng kanilang mga paaralan.


Samantala, inatasan na rin ni Valmoria ang mga Local Police Unit na makipag-ugnayan na sila sa mga traffic enforcement units na kanilang nasasakupan upang mapagplanuhan na ang gagawing pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa nalalapit na pasukan.


The post Kapulisan ipinakalat na sa pagbubukas ng klase appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kapulisan ipinakalat na sa pagbubukas ng klase


No comments:

Post a Comment