KRITIKAL pa rin ang lagay ng isang Pinoy sa pagamutan matapos bugbugin at gahasain sa disyerto sa Riyadh, Saudi Arabia nitong Mayo 16.
Itinago ang biktima sa pangalang “Mario” kasalukuyang comatose sa ospital dahil sa matinding tama ng matigas na bagay sa kanyang ulo.
Ayon sa biktima bago natuluyang na-comatose, isang pulis at tatlong iba pa ang bumugbog at gumahasa sa kanya.
Nabatid na nagtatrabaho bilang service crew sa isang ice cream chain sa mall ang biktima.
Napag-alamang nabisita na ng taga-embahada si Mario at nakikipag-ugnayan na rin sila sa employer nito.
The post Pinoy ginahasa ng 4 katao sa Riyadh appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment