HAHARAPIN ng Philppines National Men’s Football team Azkals ang koponan ng Maldives sa semifinals ng AFC Challence Cup ngayong gabi, Martes, May 27.
Sa pangunguna ni head coach Thomas Dooley, nagawang makarating sa panibagong yugto ng torneyo dala ang dalawang panalo at isang tabla sa Group B, habang tutungo sa semis sa unang pagkakataon ang Maldives na may tig-iisang panalo, tabla at talo.
Bagama’t wala ang ibang key players, tatangkain ng Azkals na umangat mula sa pagiging third place sa nakaraang Challenge Cup.
Sina goalkeeper Neil Etheridge at defender Juani Guirado ay hindi pa rin makakalaro sanhi ng thigh at knee injury, habang si forward Reuben Doctora ay ‘di pa tiyak ang paglalaro sanhi pa rin ng injury sa tuhod.
Samantala, kumpletong sasabak ang koponan ng Maldives dahil walang ni isa man ang may injury o suspedido sa laro.
Ani coach Dooley, isang mahirap na kalaban ang host country na dapat paghandaan ng kanyang koponan.
“We know that the semifinal match will be a very difficult game for us because it’s their home ground and you know they are a great team,” wika ni coach Dooley.
Ngunit sa kabila nito, kumpiyansa pa rin si coach Dooley na kakayanin nila ang kalaban.
Matapos talunin ang Turkmenistan sa iskor na 2-0, sinabi ni coach Dooley, “If we play like we did today, we can do what we want.”
Ayon naman kay Maldives head coach Drago Mamic, inaasahan niyang handang-handa na at mananalo sila sa laban kontra sa Azkals.
“Our aim is to win the tournament and I am sure we are in a good situation to win the tournament and all the players are available for this game. We don’t want to disappoint our beautiful fans,” anito.
Sa nakaraang laban ng dalawang koponan na ito noong 2010 AFC Challenge Cup ay natalo ang Philippine team sa iskor na 3-2 kung saan natanggal sila sa qualifying round ng torneyo.
Ang mananalo sa laban ng Philippine-Maldives ay makakaharap ang mananalo sa laban ng Afghanistan at Palestine. At ang mananalo sa naturang torneyo ay lalahok sa Asian Cup tournament sa susunod na taon sa Australia.
The post Azkals sasabak sa AFC Challenge Cup semis kontra Maldives appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment