DUMULOG sa Court of Appeals (CA) ang tatlong telecommunications company sa upang pigilan ang pagpapatupad ng kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) na nag-uutos ng refund sa sobra nitong singil sa mga ipinadadalang text message.
Kabilang sa mga naghain ng petisyon ay ang Globe Telecoms, Smart Communications at Digitel Mobile Philippines na nag-ooperate sa Sun Cellular.
Partikular nilang kinukuwestyon ang NTC Memorandum Circular no. 02-10-2011 na nag-uutos sa tatlong telcos na bawasan ang kanilang interconnection charge sa text message at gawin lamang itong kinse sentimos kada off-net SMS mula sa ipinaiiral na trenta’y singko sentimos na singil.
Ang off-net SMS ay tumutukoy sa mga text message na ipinadadala sa pagitan ng magkakaibang network.
Iniutos din ng NTC sa tatlong telcos ang pagre-refund ng sobrang singil mula sa mga subscriber para sa text message.
Sa petisyon ng Digitel, hiniling nito na magpalabas ang CA ng temporary restraining order (TRO) para mapigilan ang pagpapatupad ng kinukwestyong kautusan ng NTC.
Sa petisyon naman ng Smart, iginiit nito na wala silang sobrang siningil mula sa mga subscriber at nag-aalok pa sila ng murang mga promo sa pagpapadala ng text messages sa lahat ng network.
Samantala, hiniling naman ng Globe na mabigyan sila ng dagdag na panahon para makapaghain sila ng petition for review laban sa kautusan ng NTC.
The post 3 telcos dumulog sa CA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment