IPINAHAYAG ng Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na walang naitalang namatay o nasugatan sa pagdaan ng bagyong Chedeng sa bansa.
Ayon sa NDRRMC, wala silang natanggap na anumang report na may casualty at sugatan sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.
Dahil dito, pinuri ng NDRRMC ang maagang paghahanda ng pamahalaan, Local Government Units (LGUs) at ang pakikiisa ng publiko sa paghahanda laban sa bagyo.
Umabot naman sa 500 pamilya o 2,000 indibidwal ang inilikas dahil sa bagyo.
Bagamat wala nang gale warning sa seabord ng Luzon ay patuloy naman ang abiso ng ahensiya na huwag munang pumalaot lalo na ang mga mangingisda dahil masungit pa ang panahon. Johnny Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment