NANINIWALA si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na mapabibilis ang pagpasa sa Bangsamoro Basic Law (BBL) base na rin sa rekomendasyon ng mga kasamahan.
Umaasa ang liderato ng Kamara na maipapasa ang BBL pagkatapos ng imbestigasyon sa Mamasapano clash.
Mabubusisi na aniya nila ang ilang kuwestiyonableng probisyon ng BBL kabilang na ang papel ng sundalo at pulis sa bubuuing Bangsamoro region.
Matututukan na rin ang panukalang batas dahil humupa na ang emosyon ng sambayanan matapos ang madugong engkuwentro na ikinamatay ng maraming pulis, miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) maging mga sibilyan.
Ayon naman kay Antipolo Rep. Romeo Acop, nakasalalay pa rin sa resulta ng imbestigasyon sa Mamasapano incident kung maipapasa ang BBL.
Itututoy naman ang deliberasyon ng panukalang batas sa Abril 20. Johnny Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment