NAKALABAS na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang umaga ang low pressure area (LPA) na dating Bagyong Chedeng.
Huli itong namataan sa layong 215 kilometro hilagang-kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja, inaasahang alas 8:00 ng umaga nasa labas na ito ng area of responsibility.
Samantala, patuloy na magdudulot ang trough of LPA ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may posibilidad ng pagkidlat-pagkulog sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos Region.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Pilipinas, magiging maulap naman na may tsansa ng pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.
Ibinaba na rin ang gale warning sa mga baybayin sa bansa. Johnny Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment