HALOS nasa 25 katao na ang patay sa nangyaring flashflood nitong nakaraang Linggo sa bansang Chile.
Ayon sa rescue workers, nasa 125 katao pa ang nawawala sa malakas na buhos ng ulan na nagdulot ng pagbaha sa hilagang bahagi ng Atacama region.
Sinabi naman ng emergency services ng Chile na nasa 2,700 survivors ang wala pang mga tahanan at nananatili ngayon sa evacuation centers.
Napag-alaman na nasa 30,000 katao ang apektado sa pagbaha at itinuturing na pinakamalala sa Atacama region sa loob ng 80 years.
Samantala, nangako si Chile President Michelle Bachelete na magbibigay ito ng tulong sa mga nasalanta ng flashflood upang muling makarekober sa insidente. Marjorie Dacoro
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment