Tuesday, January 27, 2015

Tandem na viral sa social media video, tiklo ulit

NATIKLO ulit sa panghoholdap, ang isa sa tropa ng riding-in-tandem na sapilitan na umagaw sa cellphone ng isang babaeng estudyante habang kakwentuhan ang kanyang mga kaklase sa Quezon City may ilang buwan na ang nakalilipas.


Sa katunayan, naging viral pa ang nasabing eksena sa social media na nagpapakita sa suspek na si Gilbert Pascogin, 33, sa isang video na siyang nagmamaneho ng motorsiklo na ginamit sa kanilang pagtakas ng kanyang kasabwat.


Bagama’t itinatanggi ni Pascogin ang akusasyon sa kanya ng biktimang si Jethro Delima, 18, estudyante, hindi na ito nakapalag nang sabihin sa kanya ng Quezon City Police District (QCPD) operatives na positibo siyang kinilala ng kanyang huling biniktimang si Delima.


Bago ito, nagsuplong nitong Lunes ng hapon sa QCPD station 10 si Delima matapos mabiktima ng riding-in-tandem sa kanto ng Sct. Fernandez at Sct. Torillo sa Bgy. Sacred Heart, Q.C. dakong 2:15 p.m.


Ipinakita naman agad kay Delima ang rogue gallery ng QCPD at sa dami ng mga kriminal at kawatan na ang larawan ay nandoon, agad nakilala ni Delima si Pascogin na isa sa dalawang suspek na humoldap sa kanya.


Ikinasa naman agad ng QCPD ang isang follow-up operation at natiklo ang suspek sa kanyang bahay sa Bgy. Dela Paz, Antipolo City.


Hindi na nabawi pa sa suspek ang naholdap nito kay Delima na isang Xiaomi Mi4 cellphone na nagkakahalaga ng P17,500.


Nabatid na nakapagpiyansa si Pascogin kaya nakalabas ng kulungan at luminya ulit sa panghoholdap. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Tandem na viral sa social media video, tiklo ulit


No comments:

Post a Comment