Monday, January 26, 2015

PNP-SAF chief, sinibak sa Mamasapano ‘misencounter’

KASUNOD ng madugong ‘misencounter’ sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao nitong nakaraang Linggo, sinibak na sa puwesto ang hepe ng elite PNP-Special Action Force (SAF).


Sa isang press conference sa Camp Crame kaninang umaga, sinabi ni Interior Sec. Mar Roxas na inalis na niya sa puwesto si Director Getulio Pascua Napeñas, alinsunod sa kalalabasan ng board of inquiry na mag-iibestiga sa Enero 25 na insidente na ikinamatay ng may 44 SAF members at ikinasugat naman ng 12.


Inilunsad ng PNP-SAF anbg operasyon para isilbi ang arrest warrant laban kay Jemaah Islamiyah leader Zulkifli bin Hir alyas Commander Marwan.


Nauna nang ipinunto ni Mohagher Iqbal, Moro group’s chief peace negotiator noong nakaraang Lunes na ang pag-atake ng mga miyembro ng MILF laban sa elemento ng PNP-SAF ay isang self defense para sa kanilang panig.


Sinabi rin ni Iqbal na ang mga miyembro ng PNP-SAF ang unang nagpaputok kaya gumanti lamang ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), isang splinter group ng MILF.


Nabanggit din ni Iqbal na hindi nakipag-koordinasyon sa kanila ang PNP-SAF kaya humantong sa malagim na bakbakan. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



PNP-SAF chief, sinibak sa Mamasapano ‘misencounter’


No comments:

Post a Comment