Monday, January 26, 2015

Peke lang pala ang pralalang teleserye!

EARLY last year 2014 ay pinag-uusapan na o pinangalandakan ba ni Claudine Barretto na may gagawin siyang teleserye sa ABS-CBN.


Pero ang lahat ng ito ay isang bulaan.


Sa totoo lang, mistulang nadawit pa nga rito si Judy Ann Santos dahil sa statement ng kampo ni Claudine na mismong si Judy Ann Santos pa raw ang umano’y nag-request sa mga bossing ng ABS-CBN para makasama sa isang teleserye ang kontrobersyal na aktres.


Pero dapat lang na matapos na ang kahunghangan na ito ni Ms. Barretto dahil sa mismong isang Executive Producer ng mga teleserye sa Dos ang nakausap namin at nang itanong namin dito kung kalian sisimulan ang nabanggit na serye ng aktres, bigla kamong umarko ang kilay ng kausap naming Produ sa Kapamilya Network.


Ayon pa sa naturang produ, hinding-hindi na raw nila kukunin sa kahit anong proyekto sa Kapamilya Network si Ms. Claudine. Kaya roon sa mga close kuno sa aktres, panahon na para matuldukan ang sinasabing paggawa kuno ng serye sa ABS-CBN si Clau.


Epek na ba ‘yan, Tito Alfie Lorenzo?


Pero hindi si Tito Alfie ang source namin ha? Dahil type naman pala sana ni Ms. Judy Ann na magkasama sila sa isang proyekto ni Ms. Claudine.


***


Ang hindi peke ay ang Nasaan ka nang Kailangan Kita na nagsimula nang umere noong January 19, 2015 sa ABS-CBN. Tampok sa nasabing serye sina Denise Laurel, Jane Oineza, Loisa Andalio at Vina Morales.


Mula sa pelikulang isinulat ng multi-awarded screenwriter na si Ricky Lee noong dekada ’80.


Siguradong mag-eenjoy ang mga manonood, partikular na ang mga bagets na kasing edad ng mga bida na nasa itaas dahil sesentro sa iba’t ibang karanasan sa pag-ibig na babago sa buhay ni Cecilia (Vina), ng kanyang dalawang anak na sina Corrie (Jane) at Bea (Loisa), at Toni (Denise), ang babaeng walang ibang naging kasalanan kundi ang magmahal.


Tampok din sa teleseryeng ito sina Jerome Ponce, Joshua Garcia, Aleck Bovick at Christian Vasquez.


Kasama rin sina Arron Villaflor at Sue Ramirez para sa natatanging pagganap.


Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial.


***


Sa totoo lang halos mahulog kami sa aming kinauupuan sa kahahagalpak dahil nang ipasuri pala ni Eugene Domingo ang ‘Diamond’ Ring kuno na binigay sa kanya ni Jose Manalo in connection with the Anniversary chorva ng kanilang Celebrity Bluff dahil peke pala ito.


Nagkita na kaya sina Jose Manalo at si Eugene sa taping ng Celebrity Bluff dahil ang huling balita na nakarating sa amin ay nagpupuyos raw sa galit si Eugene Domingo at gusto niya itong isoli kay Jose Manalo.


Sabi pa ni Eugene, kaya naman daw niya bumili ng mamahaling alahas kung gugustuhin niya pero hindi lang talaga siya mahilig mag-ipon ng mga alahas kung kaya’t sobrang na-excite pa siya nung tanggapin niya ang nasabing Diamond Ring na isa palang peke.


Teka lang bakit peke?


Kilala namin ‘yung supplier ng mga alahas na niloko noon ng mag-asawang Jose at Analyn Manalo. Alam naming hindi peke ang mga itinitinda nitong alahas.


Hindi kaya may bagong biktimang alahera na naman si Jose Manalo kaya nakuryente ang nasabing komedyante sa ibinigay niyang Diamong Ring na isa palang peke kay Domingo?


Nalaos na’t lahat lahat si Jose Manalo kasabay ng mga kasong estafa na kinasasangkutan nila ng kanyang asawang Analyn pero hindi parin pala tumitigil ang mga ito (Jose at Analyn) sa ginagawa nilang panggagantso?


Hindi kaya ito na ang karma ni Jose Manalo kaya siya nalaos bilang komedyante at host ng Eat Bulaga? Kasi ang sinasabing hiwalayang Jose Manalo at Analyn ay pakulo lang pala para tumigil na sa paghabol sa kanila ang mga nauna na nilang biniktima na alahera.


Ano sa palagay mo dear editor?


Kasi hanggang ngayon palihim pa rin daw na nagkikita o nagsasama sa isang condominium riyan sa may Greenhills si Manalo at Analyn. ME NAMAN/DANNY BATUIGAS


.. Continue: Remate.ph (source)



Peke lang pala ang pralalang teleserye!


No comments:

Post a Comment