Monday, January 26, 2015

Mayabang kaya hindi matuloy ang magagandang projects!

ITINUTURING ni Robin Padilla na therapy ang katatawanang ginagawa nila sa bago niyang sitcom na “2 ½ Daddies” ng TV5 tuwing Sabado, 8 PM. Malaking tulong din ito na nagkaroon sila ng communication raw ni BB Gandanghari. Marami raw ang nasa script na hindi nila nasasabi sa kanya pero sa pamamagitan noon ay naisasambulat nila.


“Nagagamit namin ‘yung script para roon namin mapag-usapan. Kaya minsan ‘yung director namin hindi kuma-cut kasi roon namin napag-uusapan. Pero hindi pwedeng lumabas sa TV ‘yun dahil minsan censored,” bulalas ng bagong Action King na napanonood ding nagko-comedy.


Speaking of BB, nagsalita na rin si Robin sa isyung ayaw siyang maging director sa isang action film.


“Matagal ko nang sinasabi pero ayaw niya akong director kaya kami nag-aaway. Ang dami kong project diyan, ang dami ‘Kill BB,’ magsu-shooting na lang kami nang malaman niya na ako ang director, ayaw, lumayas siya. Ewan ko..mayabang ‘yan eh,” deklara ni Binoe.


“Nu’ng mag-shooting kami ng Anak Ni Baby Ama, magsu-shooting na lang kami nang malaman niyang ako ang director, ayaw niya. Nagbibigay siya ng ibang director. Ang sabi ko sa kanya, alam mo ‘tol, hindi ako kailanman gagawa ng action na iba ang director kasi malulugi tayo. Alam ko na kasi. Ngayon kako, humanap ka ng ibang producer parang ‘Bonifacio,’ iba ang director ko dahil iba ang producer. Pero kung ako ang producer tapos ayaw mong ako ang director, ‘wag na lang..kasi malaki gastos, eh. Hindi ko naman sinasabing alam ko na ‘yung daya kundi alam ko na ‘yung action. Kasi mahal ang action na gawin. Eh, ‘pag kumuha tayo ng isang director na magaling nga, hindi naman marunong gumawa ng action, p__a uubusin ang pera mo niyan. ‘Yun ang sinasabi ko sa kanya,eh, mayabang ‘yan. Hindi kami natutuloy. Lagi kaming magsu-shooting na lang,” litanya pa niya.


-0o0-


Buhay na buhay ang mundo ng mga rappers dahil live in Manila ang world class rap musical artist na si T-Pain. Meron siyang pre-Valentine concert sa February 10 sa MOA ARENA, 8 PM. Ultimate party night ang mangyayari.


Dapat mapanood ng mga Pinoy rappers si T-Pain gaya nina Andrew E, John Rendez, Gloc 9, dahil tiyak na may mapupulot sa kanya na bagong istilo.


Maraming hit songs si T-Pain na kinagigiliwan ng mga Pinoy.


Alam ng mga mahihilig sa rap music kung sino si T-Pain. Dalawang beses na siyang nagka-award sa Grammy Award.


Very inspirational ang success story ni T-Pain. Ang kanyang pangalan ay ibinase sa Tallahassee Pain. It’s all about his personal pain trying to get out of Tallahassee, a city in Florida, and pursuing his musical dreams.


T-Pain was featured on more than 50 chart topping singles, his most successful feature to date was in Flo Rida’s debut single “Low” which has since been certified 6x Platinum.


Ang T-Pain Live in Manila ay prodyus ng GMTV Manila nina Jay Jaehwan Ko at Jackie Garcia. Guests sina Kaliko Fortycal, Dash Calzado, Death Threat, Salbakuta. Mabibili ang ticket sa SM Tickets. Para sa ibang detalye at inquiries tumawag sa 09177536599. XPOSED/ROLDAN CASTRO


.. Continue: Remate.ph (source)



Mayabang kaya hindi matuloy ang magagandang projects!


No comments:

Post a Comment