SA mismong ulo pinuntirya ng kilabot na riding-in-tandem ang kanilang tinarget na isang pulis sa Quezon City kaninang umaga (Enero 25).
Bukod sa tama sa kanan parte ng ulo, tinamaan din sa balikat ng bala ng kalibre .45 ang biktimang si P03 Frederick Gracilla, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Station 9. Namatay noon din si Gracilla.
Hindi naman tinamaan ng bala ang kaangkas at pinsan ng biktima na hindi nakuha ang pangalan at sa tingin ng mga testigo ay hinayaang makatakas ng mga suspek.
Blangko pa ang mga tauhan ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kung sino ang nasa likod ng pamamaslang sa biktima at maging ang motibo sa krimen pero isa sinisilip ay may kaugnayan sa pagiging pulis nito.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 11 a.m. sa Esteban Abada St., sa Bgy. Loyola Heights, Q.C.
Ayon sa mga testigo, nakasibilyan ang biktimang si Gracilla at angkas nito ang kanyang pinsan nang buntutan at pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng walang plakang motorsiklo. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment