INUGA ng 3.4 magnitude na lindol ang Negros Occidental kaniang umaga, Enero 25, 2015, Linggo.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol sa silangan ng Sipalay, Negros Occidental dakong 5:10 ng umaga.
Naramdaman ang intenstity 4 na lindol sa Hinoba-an, Negros Occidental.
Habang naitala naman ang intensity 3 na lindol sa Sipalay, Negros Occidental.
Intensity 2 na lindol naman ang naitala sa Basay, Sibulan, Tayasan, Negros Oriental.
Sinabi ng Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 019.
Wala naman iniulat na napinsalang ari-arian o inaasahang aftershocks sa naturang lindol. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment