Tuesday, January 27, 2015

EAC Generals, kampeon sa Men’s volleyball

NASUNGKIT ng Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals ang pinakaaasam na kampeonato nang payukuin nila ang College of Saint Benilde Blazers sa 90th NCAA men’s volleyball tournament na ginanap sa The Arena San Juan kahapon.


Pinilipit ng Generals ang Blazers, 25-21, 23-25, 25-19, 25-20, para tapusin ang serye sa 2-1 at kunin ang unang kampeonato ng eskwelahan sa anomang sport ng senior division sapul ng sumali sa liga anim na taon na ang nakararaan.


Ilang buwan bago nila nakuha ang titulo ay nasangkot ang EAC sa rambolan laban sa Mapua Cardinals sa Basketball event.


“We made mistakes but life is a continuous learning process so we just have to learn from it,” wika ni EAC’s Management Committee representative Marlon Carlos, na sinabi rin na nagkaayos na ang dalawang pasimuno sa gulo na sina John Tayongtong (EAC) at CJ Isit (MIT).


“Our win in volleyball is a celebration of the school’s desire to excel by working and preparing hard. After a long wait, the team’s patience and hardwork finally paid off,” dagdag pa ni Carlos.


Malaking tulong ang ipinakitang tikas ni power-hitting Howard Mojica para sa tagumpay ng EAC.


Humataw ang reigning season at finals MVP na si Mojica ng series-high 33 hits para sa 25-22, 21-25, 21-25, 25-15, 15-13 panalo ng EAC sa Game Two.


Bumanat naman si Mojica ng 28 spikes para ilista ang panalo ng Generals sa Game Three.


“He’s the heart and sould of this team, he just carried us through the whole season,” patungkol ni EAC coach Rod Palmero kay Mojica. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



EAC Generals, kampeon sa Men’s volleyball


No comments:

Post a Comment