Monday, January 26, 2015

CORRUPTION PA RIN ANG ISYU!

MATAPOS ang kabanalang ipinakita natin kay Pope Francis, ang issue pa rin ngayon ay ang matinding corruption sa ating bansa.


Naniniwala ako na marubdob ang kabanalang namayani sa mga pangkaraniwang mamamayan na dumalo sa mga misa at pagpupulong sa mga simbahan, sa airport ng Villamor Airbase at sa Tacloban, Leyte at sa Luneta sa Maynila.


Nunit sa kabilang dako, wala akong naramdamang kabanalan sa mga opisyal ng pamahalaan at mga kakutsaba nila nang dumating sa atin si Pope Francis.


Ang mga yagit at kanilang mga magulang ay naglaho sa baywalk ng Roxas Blvd. sa Maynila at Pasay na kung saan doon dumaan si Pope Francis sa kanyang motorcade.


Naglaho sila at sinasabing sila ay ikinulong at itinapon sa isang marangyang resort sa Batangas sa isang dahilang mahirap matanto maliban sa paliwanag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Ilang milyong piso kaya ang ginastos ng DSWD sa pag-arkila ng marangyang vacation resort na ito?


Ang DSWD ang nagbayad daw sa hotel accommodation ng mga kawani ng DSWD at ang mga squatter ng Roxas Blvd. pero sa katotohanan ay ang mahihirap na taxpayer ang pumasan sa kanilang gastos.


Pagkaalis ni Pope Francis, kumalat agad ang tsismis na hindi binayaran ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis ayon sa kasunduan o kautusan.


Pinasinungalingan agad ito ng PNP pero agad nitong sinibak ang isang babaeng koronel na namahala ng pagpapamudmod na dapat ay natanggap ng mga pulis na nagbantay kay Pope Francis.


Hindi pa man nabubura sa isipan ng mga Pinoy ang pagdating at pag-alis ng Papa ay may mga alegasyon agad na kumita na naman daw si Bise-Presidente Jojo Binay sa Pag-IBIG Fund at sa Boy Scouts of the Philippines.


Hindi ako magtataka kung sa isang araw naman ay dumating ang bintang na sadyang itinaas sa typhoon signal no. 2 ang bagyo sa Bisaya para maudlot ang motorcade ni Pope sa Leyte. DEEP FRIED/RAUL VALINO


.. Continue: Remate.ph (source)



CORRUPTION PA RIN ANG ISYU!


No comments:

Post a Comment