Monday, January 26, 2015

Cayetano, umatras bilang co-author ng BBL

BUMITIW na si Sen. Alan Cayetano bilang co-author ng Bangsamoro Basic Law (BBL).


Kasunod ito sa pinakahuling engkwentro ng tropa ng pamahalaan at MILF sa Mindanao na ikinasawi ng halos 50 kapulisan.


Aniya, sa nasabing insidente, nakapagdududa ang commitment ng MILF sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao.


“Para saan pa ‘yung BBL kung ngayon pa lang na hindi pa nila kontrolado ‘yung area, ang sasabihin lang nila ‘pag may napatay na singkuwentang pulis, ay hindi nag-coordinate?” diin ng solon.


I’m disgusted about what’s happening and I really doubt na mapapasa ito dahil sa nangyari,” giit pa nito.


“So I’m withdrawing my co-authorship of the BBL and I seriously doubt kung mabubuhay pa itong peace agreement.”


“Ang basehan ng peace agreement is that may framework na meron tayong rule of law. Pero kung sasabihin mo lang na hindi nag-coordinate sa amin, kung mangyari kaya sa kanila ‘yun, ‘yung singkuwentang MILF fighters, will go into an area at may engkuwentro at mapatay sila, pwede ba nating sabihin na hindi kayo nag-coordinate na pumasok kayo?” aniya.


“At ang masakit pa dito, ang hinahabol naman ay isang international terrorist. Hindi ba dapat na out of good faith ang MILF na ang humili dun at sila ang nag-present sa ating authorities? Meron namang P5-million na bounty on the head. Pero ang nangyari baliktad,” dagdag pa ni Cayetano. LINDA BOHOL


.. Continue: Remate.ph (source)



Cayetano, umatras bilang co-author ng BBL


No comments:

Post a Comment