SUGATAN ang isa sa tatlong staff ni Sen. JV Ejercito matapos barilin ng holdaper kagabi, Disyembre 3, sa Quirino Ave. sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa tanggapan ng senador, habang nasa loob ng taxi ang tatlong staff ni Ejercito, biglang binuksan ng riding in-tandem ang pinto ng sasakyan at kinuha ang bag at cellphone ng mga biktima.
Hindi pa nakuntento, binaril pa ang isa sa mga biktimang si Kathleen Tan na tinamaan sa hita na agad namang isinugod sa Philippine General Hospital (PGH).
Blangko pa rin ang mga awtoridad sa pagkakilanlan ng mga suspek. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment