KINUMPIRMA ng Pentagon na nagsasagawa na ng airstrikes ang Iran laban sa militanteng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Ayon kay Pentagon Spokesman Rear Admiral John Kirby, naniniwala ang Amerika na ito ang unang airstrike ng Tehran sa Iraq.
Nabatid na wala umanong koordinasyon ang Amerika sa military action na ginagawa ng Iran laban sa ISIS.
Ayon sa Pentagon, bahala na ang Iraq sa pagtitiyak na hindi magkaroon ng conflict sa airspace nito.
Nabatid na nasa Iraq din ang ilang pwersa ng Iran at nakikipaglaban kasama ang Kurdish forces.
Hindi inimbitahan ng Estados Unidos ang Iran sa international coalition na lumalaban sa ISIS. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment