NAKARARANAS ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang karatig-lalawigan sa Southern Luzon ngayong bisperas ng Pasko dulot ng diffused tail-end of a cold front.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Jun Galang, nagtaas na sila ng yellow rainfall warning sa Kamaynilaan, Laguna, Bataan, Quezon, Cavite, Batangas at Rizal kaninang alas-5:45 ng madaling-araw.
Sinabi pa ni Galang na posibleng magtagal ang pag-ulan.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa ilang bahagi ng Pampanga, Zambales at Bulacan na maaaring magtagal ng tatlong oras. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment