Tuesday, December 23, 2014

Bebot binoga sa port area, todas

KASALUKUYANG iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng isang babae matapos barilin sa Port Area, Manila.


Nakitang wala ng buhay ang biktima sa Atlanta St., Bgy. 650 na inilarawan lamang na may suot na duguang white t-shirt at denim skirt.


Ayon sa pulisya, naglalakad ang biktima sa Atlanta St. nang barilin siya ng hindi pa nakikilalang suspek bandang alas-10:00 ng gabi.


Nagtamo ang biktima ng sugat sa kanyang panga dahilan ng agaran nitong pagkasawi.


Iniimbestigahan din ng pulisya ang impormasyon na ang naturang biktima ay nasaksak na sa naturang lugar kamakailan. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Bebot binoga sa port area, todas


No comments:

Post a Comment