Monday, November 24, 2014

Walang angal kahit disgrasyada ang anak!

TUWANG-TUWA si Kris Aquino sa kanyang anak na si Bimby dahil sa usapan nilang mag-ina. Umaga nang dumating ang actress-TV host galing sa trabaho at gising na si Bimby. Magsa-shower na siya papunta sa school.


“It’s so late, mama,” sey raw ni Bimby. Sagot naman ni Kris “No, it’s so early & I’m exhausted”.


“You sleep until tonight, Mama. I’m going to school then to my shooting. I’ll work for us,” sambit niya.


“Natanggal lahat ng pagod ko because my son is such a caring & responsible boy. A hug from him is the perfect reward after an all night shoot,” bulalas ni Kris sa kanyang Instagram Account.


Boom!


-0o0-


Bagay na bagay ang pelikulang “Past Tense” nang uriratin si Erich Gonzales sa nakaraan nila ni Xian Lim.


Nagmaang-maangan si Erich dahil matagal na raw isyu ‘yun. Pinipilit niyang iwasan ang isyung iniyakan siya ni Xian nu’ng mag-break sila.


“Grabe! Nagkatrabaho lang po kami sa Katorse kaya naisyu, pero wala po,” sambit ni Erich sa isang presscon. “Sabeeh?! Hindi ko po alam ‘yan, pramis! Ha! Ha! Ha! Ha,” dagdag niya sabay tawa.


‘Yun, o!


-0o0-


Nag-bonding ang mag-inang Melissa Mendez at Denisse Oca sa grand opening ng Seifuku Restaurant sa Gil Fernando Ave., Marikina. Favorite raw kasi nilang mag-ina ang Japanese food. Friend daw niya ang owners na sina Mr. and Mrs. Yamamuro kaya sumuporta siya.


Happy lola naman si Melissa sa baby nina Denisse at Fabio Ide na 6-months na. Masaya raw ang pamilya nila sa pagdating ng kanyang apo. Lalo raw silang naging close na mag-ina nu’ng dumating ang kanyang apo. May susunod pang baby boy na isisilang naman daw ng pangalawang anak niyang si Cassandra sa last week of December o first week ng January.


Welcome naman daw si Fabio Ide anytime na gustong dalawin ang baby nila ni Denisse na si Danielle. Tinutulungan pa nga raw ni Denisse si Ide na mag-change ng diaper pero wala raw balikan na nangyari. Sinabi lang daw niya kay Fabio na mag-invest at kumuha ng plan para sa college ng baby nila. Natutuwa naman si Denisse na pinapanagutan ni Fabio si Danielle. Importante rin sa kanya na nandiyan si Ide para sa baby nila.


Samantala, ‘Mamita’ naman ang gusto ni Melissa na itawag sa kanya ng kanyang apo.


Wala raw silang problema ni Fabio at hindi niya ito pinagbabawalan. “Masaya, mabait naman siya, eh,” deklara pa ni Melissa.


Talbog! XPOSED/ROLDAN CASTRO


.. Continue: Remate.ph (source)



Walang angal kahit disgrasyada ang anak!


No comments:

Post a Comment