Monday, November 24, 2014

Heart tutungo sa US para magpagawa ng gown kay Monique Lhuillier

NGAYON nalalapit na ang kapasukuhan nais nina Heart Evangelista at Senador Chiz Escudero na sa Amerika na magdiwang kasama ang dalawang kambal na anak ng senador.


Ayon nga sa senador, close na close na raw kay Heart ang dalawang anak niya. Sa kanilang biyahe sa US, isasabay na rin nila ang pagpunta sa sikat na designer na si Monique Lhuillier na gagawa ng kanyang wedding gown.


Pero bago ang nakatakda nilang bakasyon, pinasaya muna ng dalawa ang mga batang may “thalessemia” o sakit sa produksyon ng red blood cells sa katawan.


Paliwanag ng aktres, nagsimula ang kanyang adbokasiya tungkol dito nang makilala niya ang mga bata sa pamamagitan ng kanyang tito na magkaroon ng leukemia-sakit din sa dugo.


Sa pagtungo nila sa mga batang may thalessemia, naghandog sila ng magic show at palaro.


Nahawakan din ng mga bata ang mga asong dala ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS.


Nakatakdang ikasal sina Evangelista at Escudero sa Pebrero sa Balesin resort.


***


Kahit next year pa ang kasalang John Prats at Isabel Oli, nagsisimula na silang magplano para sa kanilang kasal. September nitong taon nag-propose si John kay Isabel. Pero ayon sa dalawa, gusto Raw nila ang simpleng wedding lang na maaaring gawin sa resort ng pamilya ng aktor sa Batangas. Very excited na nga ang dalawa sa pagpaplano ng kanilang nalalapit na kasal.


Wala pa silang napipiling designer ng weding gown ni Isabel ngunit nakaisip na raw sila ng style.


Sa ngayon abala ang dalawa sa kanilang prenup sessions.


“Nagulat ako! Gulat na gulat! Parang one day, ‘Ha? Talaga? Eh di sige! Thank you! Bongga!’” sabi ni Isabel.


***


Masaya si Eugene Domingo na positive ang naging tambalan nila ng komedyanteng si Jose Manalo. Hindi nga raw niya maipaliwanag na may secret chemistry pala sila. Paliwanag nga ni Oge, “Well, ganun talaga siguro. It’s just magic! I’m very happy na nakita niyo ‘yun (Chemistry). Hahahaha!”


Actually, hindi rin daw ine-expect ni Oge na makapapareha niya ang isang Jose Manalo at magkaroon agad sila ng ultimate Chemistry sa isa’t isa. Dagdag pa niya, “Kasi for so many films ang kasama ko mga gwapo, mga hunks, mga bata, mga makikinis, ‘yung mga opposite! ‘Di ba? Tapos ayun, biglang dumating si Jose Manalo,” sabay tawa ng malakas ng magaling na comedienne.


Kasabay nito ang pagpapasalamat niya sa host ng Eat Bulaga dahil sa pagiging mahusay at professional na katrabaho.


“Sa totoo lang, sobrang thankful ako na nakasama ko siya sa trabaho. Sabi ko nga, binigyan niya (Jose) ng bagong kulay ‘yung career ko. Imagine? Nag-click talaga!!! Sometimes meron talagang mga bagay na hindi maipaliwanag at hindi ine-expect pero patok!” pagtatapos pa niya. SABEEE!/THROY J. CATAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Heart tutungo sa US para magpagawa ng gown kay Monique Lhuillier


No comments:

Post a Comment