ANG report sa akin ng texters, totoo raw pala na ginagamit ng MMDA traffic enforcer na pinarangalan pa ng MMDA ang kanyang uniform para magbenta ng kakanin sa mahal na presyo.
Dahil nga at naging laman ng kolum natin, marami ang nag-react sa pinapurihan ng MMDA na traffic enforcer na nagtitinda ng kakanin na naka-uniform pa ng MMDA.
Marami ang na-impress sa kwento niya na parang ulirang ama.
Ang masama, isa raw itong paraan ng pangongotong.
Modus daw ito, at hindi lang kakanin ang mga pilit na pinabibili sa mga bus driver o mga jeepney driver.
May nagtitinda raw ng basahan, ng sampaguita, at kung ano-ano pa.
Ang mga vendor ng mga panindang ito ay mga tao raw ng mga opisyal ng MMDA at mga “bata” ng pulis.
‘Pag hindi bumili ang driver, lagot sa MMDA at sa PNP na nakapuwesto sa kung saan-saang lugar.
Sana ay may mga sumilip sa mga sumbong na ito.
Nagulat ako sa mga nagte-text sa akin mula nang lumabas ang ating kolum na pinupurihan nga ang MMDA na nagtitinda ng kakanin na naka-uniform.
May mga pangalan pang sinasabi ang mga texter, ng mga empleyado ng gobyerno na nangongotong sa mga driver sa iba’t ibang paraan.
Kawawa naman ang mga nagsisikap na kumita sa marangal na paraan pero pinagsasamantalahan ng mga taong may kapangyarihan.
Muli, sana ay may sumilip ng mga sumbong na ito.
Naiintindihan ko ang mga kababayan natin na ayaw na harapan na magsumbong, dahil sa takot na sila ang balikan ng mga taong sangkot sa mga krimen sa lansangan, lalo pa kung mga naka-uniporme ng batas ang kanilang isusumbong.
Ang siste naman ay kung walang magrereklamo, hindi aaksyon ang mga awtoridad.
Kaya vicious cycle, ika nga. Pero gaya ng sabi natin sa unang kolum natin tungkol sa isyung ito, may mga ebidensya ng corrupt acts laban sa ilang pinaghihinalaan.
Iniipon lang ang mga ebidensya at sana ay masampahan ng kaso ang mga manloloko na ginagamit pa ang simbolo ng ahensya ng ating gobyerno sa masamang gawa.
o0o
Mag-email ng inyong reaksyon sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment