WOW naman! Ano ba ito, ngayon ko lang yata narinig ito na pati pala ang opis ng gobernador ng lalawigan ay may tongpats na rin sa mga iligal na pasugalan at iba pa.
Hindi ko lamang alam kung totoo ang nabalitaan ko na nagpapakolekta na rin daw sa mga pasugalan at iba pang mga kailigalan si acting Laguna Governor Ramil Hernandez.
Katunayan, isang Sgt. Jebong ang umano’y isa sa mga tinuturong nangongolekta ng lingguhang I.N.T. (intelihensya) sa mga pasugalan at iba pang mga kailigalan gamit ang office of the governor ng lalawigan.
Kaya naman pala kahit lantaran ang operasyon ng mga iligal na pasugalan sa Laguna ay nagbubulag-bulagan lamang si gob.
Maging si Laguna Provincial Director Supt. Florendo Saligao ay walang magawa para mapatigil ang pamamayagpag ng iba’t ibang pasugalan sa lalawigan.
Ang masakit nito, kahit ilang beses na raw na magreklamo ang mga taga-Laguna sa tanggapan ni Gobernor Hernandez ay para raw walang narinig si gob sa kanilang mga inirereklamo.
Ano ba ‘yan, Gov. Hernandez, kumilos naman kayo sa inyong lalawigan at ‘wag na ninyong hintayin pang ang mga taga-Laguna ang kumilos para sa inyo!!!!
O baka naman sariling lakad lang ni Sgt. Jebong ‘yan at ginagamit lang si Gob. Hehehe…tangna naman oh…
VK SA CAINTA HINDI MAGIBA NI MAYOR
Naglatag na naman daw ng sangkaktutak na video-karera itong tinaguriang “VK King” na si Bong Sola sa Cainta, Rizal.
Namamayagpag na naman sa buong barangay at sitio ng Cainta ang mga vk ni Sola at hindi man lamang daw kumikilos si Cainta Mayor Kit Nieto para ipatigil ang operasyon nito.
Ang balita ko ay malaki ang itinapal na lagay ni Bong Sola sa tanggapan umano ni mayor. Kung gaano katotoo ang akusasyon na malaki ang lagay ni Sola sa tanggapan ng alkalde, tanging si mayor lang ang nakaaalam nito.
Mantakin nyo, ultimo mga kabataan na sa halip na nasa kani-kanilang mga bahay para tumulong sa mga magulang ay sa mga videohan pa nagbababad ang mga ito.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment