IKINASA muli ang price rollback ang mga oil companies kaninang alas-12:01 ng madaling-araw.
Batay sa ulat, aabot sa P0.90 ang bawas sa kada litro ng gasolina at diesel ng kumpanyang Shell, Caltex, Petron, PTT, Flying V, Seaoil at Total.
Sa kerosene, P1.05 naman ang rollback sa kada litro.
Susunod na magpapatupad ng price rollback ang Phoenix Petroleum.
Ito na ang ikatlong rollback ngayong Nobyembre na aabot na sa P2.50 ang rollback sa gasolina habang P1.50 naman ang bawas sa diesel.
Ang price rollback ay batay sa dikta ng kalakalan sa pandaigdigang merkado. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment