Monday, November 24, 2014

Palasyo tikom ang bibig sa ibinulgar ni Miriam vs budget

SARADO ang bibig ng Malacañang sa umaalingawngaw na pagbubulgar ni Sen. Miriam Defensor-Santiago kaugnay sa nadiskubreng pagpapanatili ng pork barrel fund na labag sa Saligang Batas ang bagong depinisyon ng ‘savings.’


Ngayong umaga ay nagpahayag din ng suporta si dating Budget Sec. Benjamin Diokno kay Santiago at dapat daw linawin ang mga tagong pondo at lump sum allocations.


Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa sumasagot sa mga katanungan ang Malacañang partikular si Budget Sec. Butch Abad na inaakusahan ni Santiago na may pakana at makikinabang din daw sa 2015 proposed national budget.


Una sa kanyang privilege speech, sinabi ni Santiago na kabuuang P37.3-billion lump sum ang nakalaan sa Departments of Health (DoH), Social Welfare and Development (DSWD), Labor and Employment (DOLE), Public Works and Highways (DPWH) at Commission on Higher Education (CHEd) na katumbas ng pork barrel.


Naniniwala din si Santiago na ang 2015 budget ay nadisenyo para sa 2016 Presidential elections at kanyang tinukoy ang P1.57-billion patubig project na pangangasiwaan ng DILG na pinamumunuan ni Sec. Manuel Roxas na siyang sinasabing pambato ng Liberal Party sa 2016.


Ang patubig project na dapat daw ay hawak ng National Irrigation Administration ay nakapaloob sa P104.57-billion proposed budget ng DILG na kinabibilangan din ng P1.5-billion confidential and intelligence funds.


Maliban dito, kinuwestyon din ni Santiago ang bagong depinisyon ng ‘savings’ na nagsasabing maaaring itigil ng Ehekutibo ang funding ng isang proyekto, kailanman nito gustuhin kung mayroong makikitang basehan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Palasyo tikom ang bibig sa ibinulgar ni Miriam vs budget


No comments:

Post a Comment