NAGBABALA si Kalihim ng Enerhiya Jericho Petilla ng ilang beses sa media na posibleng magkaroon ng 2-3 oras na rotating brownout sa dararting na tag-init sa 2015. Kapag hindi nasolusyunan ng pamahalaan ang posibleng kakulangan sa kuryente na aabot sa 200 megawatts.
Noong Nobyembre 19, 2014, binuksan ang bagong 81-megawatt Caparispisan windfarm sa Pagudpud at sa pagbibigay ng malinis na enerhiya online, at pati na rin sa inaasahang pagbubukas ng ilan pang windfarm sa Ilocos, sinabi ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na kahit walang pagsang-ayon ng emergency power mula sa presidente, ang inaasahang kalalabasan na papaganahin ng nasabing windfarm projects ay makakatulong ng malaki patungo sa ikaaayos ng sitwasyon ng kuryente sa Luzon, kahit papaano.
“Ang mga wind plants na makikita lamang sa aming probinsya ay makakatulong na mabawasan ang lumalalang krisis sa kuryente sa pamamagitan ng clean renewable wind resources sa bansa para sa power generation, pati na sa tumataas na pagkonsumo ng kuryente,” saad ni Marcos.
Idiniin din niya na nagpapakita lamang ito ng pagtulong sa bansa patungo sa preserbasyon ng kalikasan dahil inaalis ng renewable energy sources ang greenhouse gas emissions at binabawasan ang pagdepende ng bansa sa finite at exhaustible fossil fuels, na karamihan ay inaangkat pa para sa power generation.
“Makakatulong ito na mapanatili pa ang power sector,” dagdag pa niya.
Ayon kay Wilfredo M. Peñaflor, President ng Northern Luzon Renewable Energy Corporation, may 27 wind turbines ang Caparispisan wind farm at kauna-unahang proyekto ng NLREC.
Bilang isang renewable energy project, ang nasabing windfarm ay magdadala ng benepisyo sa kalikasan at ekonomiya nito sa lipunan habang nag-aambag ito sa pag-unlad, sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa mga tao at pagdadagdag ng income taxes na makadadagdag upang pondohan pa ang iba pang proyekto.
Ayon naman kina DENR PENR Officer Juan P. delos Reyes, Jr. at OIC, CENR Officer Victor C. Dabalos, “Dahil din sa mga windmill na naturan ay wala nang nangyayaring brown-out sa lugar sapagkat malaki ang naitutulong nito sa elektrisidad, upang maging sapat ang kuryente sa buong lalawigan.” ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment