MAGIGING prayoridad ng Senado ang pagtalakay sa emergency powers na ibibigay kay Pangulong Noynoy Aquino na matugunan ang kakulangan ng supply ng kuryente sa 2015.
Ito ang tiniyak ni Senate President Franklin Drilon sa kabila ng pagiging abala ng Senado sa budget deliberations sa 2015 General Appropriations Act (GAA).
Iginiit ng lider ng Senado nitong Martes, na pwedeng isingit ang hirit ng Palasyo kapag naisumite na ang report ng Senate Energy committee sa kasagsagan ng budget hearing.
Nilinaw din nito na tinanggal na ang kontrobersyal na probisyon sa emergency powers partikular ang ‘Authority to purchase capacity’ dahil hindi na raw kailangan ng authority para bumili ng additional capacity.
Pokus na lang aniya sa “interruptible load program” (ILP) na naglalayong pigilan ang banta ng brownouts sa susunod na taon.
Samantala, tinatayang nasa 31 megawatts na lamang ang kakulangan ng supply sa kuryente sa 2015 na aniya’y kakayanin ng ILP ayon sa Department of Energy (DoE). LINDA BOHOL
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment