Sunday, November 23, 2014

MRT-7 sa QC, sisimulan na sa Enero 2015

SA Enero ng susunod na taon, pormal nang itatayo ang MRT-7 na mag-uugnay sa Quezon City at Bulacan.


Sa ginanap na forum sa Public Information Agency (PIA), sinasabing sa ilalim ng public-private partnership (PPP) ng administrasyong Aquino, sisimulan na sa 2015 ang konstraksyon ng MRT line 7 mula sa naturang lungsod hanggang San Jose del Monte, Bulacan na may habang 23 kilotmero at may 14 na istasyon. Aprubado ang proyekto ng Department of Finance (DoF) sa pamamagitan ng “built-operate-transfer” agreement.


Ang MRT-7 ay itatayo sa harap ng SM North Edsa na tatawaging LRT-MRT unified central terminal ng LRT Line 1, MRT-3, at MRT-7 na magsisilbing isang istasyon na lamang.


Mula QC ay dadaanan nito ang North Avenue sa kanto ng EDSA, liliko sa Quezon Memorial Circle kung saan naroon ang ikalawang terminal bago nito tatahakin ang papuntang Commonwealth Ave. para daanan ang istasyon sa Philcoa, University Ave., Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Doña Carmen, Regalado Highway, Mindanano Ave., Quirino, Sacred Heart, Tala sa North Caloocan at San Jose del Monte sa Tungkong Mangga.


Ang proyekto ay popondohan ng P62-bilyon ng San Miguel Corporation at Japan International Cooperation Agency (JICA) habang ang D.M. Consunji ang kontratista para dito. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



MRT-7 sa QC, sisimulan na sa Enero 2015


No comments:

Post a Comment