Sunday, November 23, 2014

Dental clinic helper, natagpuang patay

PATAY na nang matagpuan ng kanyang amo ang isang empleyado ng isang dental clinic sa Tondo, Maynila.


Kinilala ang biktimang si Sherwin Cabadoy, 30, tubong Tacloban at stay- in worker sa MV Cruz Dental Clinic sa 1034 Asuncion kanto ng Balagtas St., Tondo, Maynila.


Sa ulat ni PO3 Richard Limuco, nasa state of decomposition na ang katawan ng biktima na hinihinalang may ilang araw nang patay.


Nauna rito, dumating sa klinika ang amo na si Ginang Milagros Sy upang tingnan ang sitwasyon ng biktima.


Napansin umano ni Sy na naka-lock sa loob ang steel gate ng nasabing klinika.


Tinawagan ni Sy ang biktima sa kanyang cellphone subalit hindi ito sumasagot dahilan para humingi ng tulong sa kalapit na barangay hall.


Sa tulong ng ilang opisyal ng barangay, puwersahan nilang binuksan ang steel gate kung saan tumambad sa kanila ang nakahandusay na katawan ng biktima.


Agad namang itinawag sa pulisya ang insidente.


Napag-alamang may 8-taon nang nagtratrabaho at stay-in ang biktima sa nasabing klinika.


Huling nakitang buhay ang biktima noong Nobyembre 21 ganap na alas-6 ng gabi.


Isinalang sa autopsy at safekeeping ang labi ng biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Dental clinic helper, natagpuang patay


No comments:

Post a Comment