NAPAKARAMING sumusubaybay sa teleserye na pinagbibidahan ng mga teenstars na sina Bea Binene, Kim Rodriguez, Joyce Ching, Joanna Marie Tan at Rita de Guzman.
Kasama rin ang mga nagguguwapuhang mga bagets na sina Kiko Estrada, Jake Vargas, Jeric Gonzales, and of course ang mga beteranang sina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Jay Manalo, Kristine Hermosa, Chanda Romero at Christian Bautista na nanibago kami sa hitsura niyang may bigote.
Ang gagaling magsi-arte ang mga girls, lao na itong si Rita de Guzman sa papel na kontrabida at maituturing na raw na batang Zeny Zabala sabi ng mga fans na naiinis kapag eksena na ni Rita na mapang-api at segundahan pa ng equally antipatikang papel ni Sheryl na isa ring kontrabidanga nanay ni Rita.
Pinahanga kami ni Sheryl na mula sa pagiging pa-cute noong teenager siya, ngayo’y mahusay ng umarte na kahit anomang role ay kayang-kaya na niya. Marami ang nalungkot sa maagang pagkawala sa serye ni Joyce Ching na gumaganap na nawawalang anak nina Sunshine Dizon at TJ Trinidad. Maaga siyang pinatay sa istorya. Ang magandang balita, kaya siya pinatay ay may ginagawa siyang bagong soap na matagal na pala iyong nakalaan para sa kanya.
Kami man ay tuloy-tuloy ang pagsusubaybay sa naturang soap. Marami kasing suspense. Siya nga pala, kasama rin ang batikang aktres na si Boots Anson-Roa at ang macho na si TJ Trinidad.
-0-
Ang bagong Miss World Philippines 2014 na si Valerie Weigmann ay tumungo na sa London nitong nakaraang linggo upang mag-represent ng ating bansa sa Miss World Beauty Contest na pinanalunan ng kauna-unahang Pilipinang title holder na si Megan Young. Maraming nagsasabi na confident ang organizer ng Miss Philippines World na si Miss Cory Quirino na malaking tyansa na maiuwi ni Valerie ang korona.
Isa ito sa top favorites sa Miss World at marami ang humuhula hindi lamang tayong mga Pinoy kundi mga mahihiligin din sa beauty contest na mga banyaga. But meron pa raw but, kabado si Valerie dahil sa mataas ang expectation sa kanya na siya ang kokoronahan. Paano nga naman kung hindi niya ma-duplicate ang panalo ni Megan?
Anyway, gagawin daw niya lahat ng kanyang makakaya na sa palagay din namin ay kaya niya ito dahil may talino naman siya at marunong sumagot sa anomang katanungan. Another thing, ang may pinakamaraming vote online sa candidates ay automatic na kasama na sa top 20 semi-finalist kaya pakiusap ko sa lahat na iboto natin ang ating representative sa Miss World.
Iyon lang! Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment