Monday, November 24, 2014

INILUNSAD ANG PINAKAMALAKING WINDFARM PARA MAAGAPAN ANG KRISIS SA KURYENTE

DAHIL sa mga spekulasyon na magkakaroon ng malawakang blackout sa Luzon, inaasahan ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ang bagong 81-megawatt Caparispisan windfarm sa Pagudpud ay makakatulong panghahalili kapag may kakulangan suplay ng kuryente pagdating ng tag-init sa 2015.


Noong Nobyembre 19, 2014, pinangunahan ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kasama sina Gobernador Imee Marcos ng Ilocos Norte, Mayor Marlon Sales ng Pagudpud, DENR-PENR Officer Juan P. delos Reyes, Jr., OIC, CENR Officer Victor C. Dabalos at mga executives ng Ayala Corporation, sa pagbubukas ng 8-megawatt (MW) Caparispisan windfarm sa Bgy. Caparispisan, 72 kilometro mula sa provincial capitol ng Laoag City.


Matatagpuan ang barangay na ito sa unang distrito ng Pagudpud at mayroon lamang itong 625 residente at kilalang-kilala ng mga turista ang “white sandy beaches”. Kilala din ito sa buong mundo bilang bilang “Boracay of the North”. Ang Pagudpud ay tinitirahan ng mahigit-kumulang 22,000 katao sa Ilocos Norte at ito may layo na 560 kilometro mula sa Manila.


Ayon kay Bongbong, ang 81MW Caparispisan windfarm sa Pagudpud ay gumagamit ng hangin bilang pinagmumulan ng enerhiya. Ito’y hindi lamang makakalikasan kundi matipid-epektibong paraan upang makatulong maibsan ang pasanin ng Pilipinas sa pangangailangan nito sa kuryente dahil sa paglago ng ekonomiya ng bansa.


Ang 81MW Caparispisan Wind Energy project ay isang “joint venture” na naitatag noong Hulyo sa tulong ng Ayala’s energy investment arm, AC Energy Holdings, Incorporated, Philippine Investment Alliance for Infrastructure at ang UPC Philippines Wind Holdco.


Naatasan naman ang Northern Luzon Renewable Energy Corporation (NLREC) sa pagbubuo ng mga proyekto ukol sa wind power sa rehiyon ng Ilocos, lalo na sa Ilocos Norte. Pinasinayaan ito noong Setyembre 2013.


Ang inagurasyon ay sinimulan nang aprubahan ng House Committee on Energy ang paggawad ng “emergency powers” sa Pangulo kung saan may otoridad siyang magbigay para sa pagpapatayo ng karagdagang power generating capacity, upang masolusyunan ang nakaambang krisis. ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG


.. Continue: Remate.ph (source)



INILUNSAD ANG PINAKAMALAKING WINDFARM PARA MAAGAPAN ANG KRISIS SA KURYENTE


No comments:

Post a Comment