INUGA ng 3.2 magnitude na lindol ang Davao Occidental kaninang umaga, Nobyembre 24, 2014, Lunes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig sa silangan ng Sarangani, Davao Occidental dakong 8:00 ng umaga.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 056 kilometro.
Kaugnay nito, naramdaman naman ang 3.0 magnitude na lindol sa kanluran ng Jose Dalman (Ponot) at Zamboanga Del Norte dakong 5:42 ng umaga.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 032 kilometro.
Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment