Sunday, November 23, 2014

Dalaga dakip sa shabu

NADAKIP na ng mga pulis ang dalagang tulak ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City, Linggo ng gabi, Nobyembre 23.


Kinilala ni Chief Insp., Arnulfo Ibanez, hepe ng District Anti-Illegal Drugs ang suspek na si Rosanna Tolentino, 30, ng Bisig ng Nayon ng lungsod.


Nabatid na matagal nang minamanmanan ng mga pulis ang suspek hanggang sa bumuo ng grupo si Insp. Edsel Ibasco upang magsagawa ng buy-bust operation alas-6:30 ng gabi malapit sa bahay ng dalaga.


Nang iabot ng suspek ang P500 mula sa pulis na umaktong poseur buyer kapalit ng sachet ng shabu ay agad na dinamba ang dalaga at dinala sa presinto kung saan nakuhanan pa ng dalawang sachet ng shabu.


Nabatid kay Ibasco na nasa top 10 si Tolentino sa kanilang watch list sa pagiging pusher ng shabu. RENE MANAHAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Dalaga dakip sa shabu


No comments:

Post a Comment