INILARGA na ng Philippine National Railways (PNR) ang pagpapalawig ng biyahe ng kanilang tren mula Tutuban hanggang sa Calamba, Laguna upang makaiwas sa traffic at makatipid sa transportasyon ngayong kapaskuhan.
Ayon kay Jo Geronimo ng PNR operations, malaki ang matitipid ng mga pasahero dahil P45 lamang kumpara sa dati na hanggang Cabuyao lamang kung kaya nagdadagdag pa ng P50 na pamasahe sa traysikel patungong Calamba ang mga pasahero.
Plano rin ng PNR na ibalik ang operasyon ng biyaheng Bicol sa susunod na taon kapag nasiguro na nilang ligtas ang ruta.
Maalalang nagkaproblema ang riles nang ilunsad ang Bicol Express noong 2011.
Inuumpisahan na rin ngayon ng Departmend of Transportation and Communication (DOTC) ang modernisasyon ng PNR kung saan naglaan na ng P2.5-billion para sa programa. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment