NAKIUSAP si Kris Aquino sa taumbayan na ipagdasal daw natin ang kanyang kuya na si Pangulong Noynoy sa gitna ng mga pinagdadaanang pagsubok
Kailangan aniya na magkaroon ng lakas si PNoy para patuloy na mabuhay at maipagpatuloy ang paglilingkod sa bayan.
Ginawa ni Kris ang panawagan nang maawa siya sa Kuya Noy niya na naiyak sa nakaraan niyang SONA.
Naiiyak si PNoy kasi’y ang baho na ng dating niya sa maraming Pinoy.
Bagsak ang kanyang popularity at trust rating.
Wala na ring naniniwala sa kanyang ‘Tuwid na Daan.’
Siya mismo ay sangkot sa pagmadyik sa dambuhalang salaping-bayan na tinawag na DAP.
Naiyak si PNoy, marahil ay iniisip niyang siya ang susunod na Presidenteng makukulong sa pagtatapos ng kanyang termino.
Nakatutuwa si Kris.
Inaakala niyang sa panawagan niya ay matutuwa pa ang bayan kay Pangulong Noynoy.
Sino’ng Juan dela Cruz naman kasi ang matutuwa kung alam niyang wala na nga siyang malamon dahil walang trabaho, may pagkakautang pa siyang P59, 121?
Mantakin naman kasi, aabot na sa P6-trilyon ang utang ng Pilipinas pagsapit ng 2015.
Sinabi ni Finance secretary Cesar Purisima, dahil sa mangungutang ang Pilipinas ng mahigit sa P700.8-bilyon para matustusan ang P283.7-bilyong budget deficit at pantustos sa maturing obligations ng gobyerno, aabot na aniya sa kabuuang P6.596-trilyon ang projected total borrowings sa susunod na taon.
Hindi ba’t ipinagmamalaki ni PNoy na mayroon namang savings o unused funds ang gobyerno na aniya’y nagagamit sa pagpapaunlad ng ekonomiya?
Bakit muli na namang mangungutang?
Para nakawin na naman ng mga baboy na politiko at mismo ng gobyerno?
Mga utang na n’yo! KANTO’T SULOK/Nats Taboy
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment