BAHAGYANG humina ngunit bumilis naman at nagbago ng direksyon ang Bagyong Jose.
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA), na naitala na lamang sa 185 kilometro kada oras (kph) ang lakas ng hangin ng bagyo malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 220 kph.
Bumilis ito sa 15 kph pa-hilagang-kanluran mula sa dating pa-kanluran hilagang kanlurang direksyon sa bilis na 11 kph.
Sinabi ni PAGASA weather forecaster Meno Mendoza, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 880 silangan timog-silangan ng Appari, Cagayan.
“Bagama’t hindi ito nakakaapekto sa ating bansa, ito naman ay nagpapalakas ng ating southwest monsoon,” ani Mendoza.
Direktang babagsak anya sa Ilocos Region at Central Luzon ang ulan na dala ng Habagat.
Paminsan-minsang pag-ulan pa rin ang aasahan sa Metro Manila, CALABARZON at MIMAROPA.
May gale warning na nakataas sa northern at western seaboards ng Luzon at eastern seaboard ng Southern Luzon dahil sa naglalakihang alon.
Tinatahak na ng bagyo ang direksyong katimugan ng Japan. Robert C. Ticzon
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment