INATAKE ng Akyat-Bahay Gang ang bahay ng isang negosyante sa Caloocan City, Martes ng gabi, Agosto 3.
Ayon sa biktimang si Fidel Tullo, nasa hustong gulang, ng Samson Road ng lungsod na alas-8:10 ng gabi, pag-uwi ay agad nilang napansin na magulo ang kanilang bahay at wala na rin ang ilang mga kasangkapan.
Pagpasok sa kuwarto ay tiningnan ang pinaglalagayan ng alahas at cash na P50,000 subalit wala na maging ang mga alahas na aabot sa halagang P100,000.
Ipinagbigay-alam ng biktima sa mga pulis ang pangyayari kung saan inaalam na ng awtoridad kung sino ang mga suspek. Rene Manahan
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment