PATAY ang isang rider matapos tumilapon at magulungan pa ng hulihang gulong ng nakabungguang trak sa Valenzuela City Linggo ng hapon, Agosto 3.
Dead on the spot sanhi ng grabeng pinsala sa ulo si Rodrigo Bonghanoy, 44 ng G. Pascual st., Rincon ng lungsod.
Sumuko naman sa mga pulis si Russel Lawig, 35 ng Sta. Rosa, Laguna at driver ng Isuzu Truck (RGA-857).
Sa ulat, alas-2:40 ng hapon binabagtas ng biktima sakay ng motorsiklo ang Pasolo Road nang makabungguan ang truck ng suspek.
Tumilapon ang biktima at nagulungan pa ng truck na naging dahilan ng agad na kamatayan.
Sumuko naman sa mga pulis si Lawig na sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide. Rene Manahan
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment