DAPAT na gawing simple lamang ang mga programang gagawin ng simbahan at pamahalaan para sa pagdating sa bansa ni Pope Francis sa Enero 15 hanggang 19, 2015.
Ito ang mungkahi ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Pedro Arigo na naniniwala na hindi ikatutuwa ng Santo Papa kapag ginawang mamahalin at kalabisan ang paggastos ng simbahan at gobyerno para sa apat na araw na pamamalagi niya sa bansa.
Ayon kay Arigo, malaking insulto rin aniya para sa mga maralita na gawing magarbo ang pagsalubong at pagtanggap sa Santo Papa.
Inihayag pa ng Obispo na ang malaking mensahe ni Pope Francis sa mga Filipino at sa buong Catholic Church ay mahalin at arugain ang mga mahihirap.
“Yung mga gagawing events ay gawing simple at hindi magarbo kasi si Pope Francis ay very displeased with the reception after the canonization ni Saint Paul II at St. John 23rd na ang dating sa kanya ay extravagant kaya he was displeased,” ani Arigo
“Kaya kailangan maging simple tayo dahil kung masyadong extravagant yan actually ang message niya ay care for the poor ay magiging insult yan for the poor, hindi nya ikatutuwa.”
Ipinapaalala pa ng Obispo na hindi dapat ituring na celebrity ang Santo Papa sa kanyang pagbisita sa Pilipinas sa susunod na taon o di kaya’y ipagmalaki na nakita siya ng personal at sa halip ay mas dapat tingnan ng mga Filipino kung ano ang mensahe niya sa kanyang pagbisita.
“Sana, kasi minsan yung ganyang mga occasions ang dating sa mga tao ay isang celebrity na darating. Sana ang tingnan ay ano ang message na ipinaparating sa atin ni Pope Francis,” aniya pa. Macs Borja
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment