Sunday, August 3, 2014

PURO HIRAP ANG INAABOT NILA SA MAYAMANG GOBYERNO

MAYAMAN na ba talaga ang Pinas sa ilalim ng administrasyon ni Butch Abad, este, ni PNoy?


Kung mayaman na ang Pinas, hindi ba dapat maramdaman ito ng mga taga-barangay?


Heto ang isang buhay na sulyap sa isang barangay na maituturing na maunlad.


Ang sampol na barangay natin, parekoy, ay kinatatagpuan ng maraming manukan, babuyan, sakahan at ilang pabrika.


May pabrikang malalaki pero lumayas o nagsara na.


King-ina, ‘yung lumayas ay nagkaproblema sa napakamahal na kuryente at nasa Malaysia na.


Binayaran ang mga obrero ng separation pay pero sa tagal ng paghahanap nila ng trabaho, naubos din ang separation pay nila sa pampamilyang mga gastusin.


May mga nagnegosyo pero nalugi sila dahil tadtad sila ng utang ng mga kapitbahay na istambay at kontraktuwal ang trabaho.


May naiiwang ilang pabrika pero puro kontraktuwal na ang mga obrero at hanggang 5 buwan lang ang trabaho ng mga ito.


Patakaran ng mga pabrika, parekoy, na wala nang balikan sa empleyo at bawal nang pumasok sa pabrika ang kamag-anak ng nasibak na obrero sa kontraktuwalisasyon.


May mga babuyan na parte ng dalawang higanteng kompanya sa Pinas. Pero nagsara na rin ang mga ito dahil nagsilipatan ang mga ito sa mga negosyong pangkuryente, langis at konstraksyon sa Public-Private Partnership ni PNoy.


Nagkaroon ng separation pay ang mga obrero pero, king-ina, nauubos din ang mga ito sa mga pangangailangang pampamilya at nagkandalugi-lugi sa mga maliliit na negosyong pinundar nila sa lugar…lalo ngayong kahit lugi ka na, eh, pagbabayarin ka pa rin ng bureau of Internal Revenue nang mataas na buwis.


Bukod sa hindi makapagbayad ang mga nangungutang sa barangay, walang kakayahang bumili ang nakararami sa barangay ng mga produkto mula sa mga small business at sari-sari store.


Kaya naman, pagdating ng halalang pambarangay at lokal, halos walang nananalong hindi nagpapakawal ng pera isa o dalawang araw bago maghalalan.


Nagtatagal na rin ang mga patay ng mga mahihirap at kontraktuwal na pamilya sa burulan dahil, bukod sa mahal ang punerarya, pabarya-barya lang ang kayang itulong ng mga hijo de putang sina kap, konsehal, mayor at gob.


Dati, ang mga patay mula sa mga istambay, magtatraysikel at jeepney driver na pamilya ay tinutubos sa morge at ipinalilibing ng mga may saklang patay.


Pero ipinagbawal ito ni Mar Roxas nang wala ni singkong duling ang naiaabuloy nito.


‘Kapag tinanong mo ang mga taga-barangay ukol sa pagyaman ng gobyernong PNoy, medyo lumihis-lihis ka na para hindi ka matalsikan ng laway ng mga galit sa gobyerno. Hak-hak-hak! BURDADO/Jun Briones


.. Continue: Remate.ph (source)



PURO HIRAP ANG INAABOT NILA SA MAYAMANG GOBYERNO


No comments:

Post a Comment