Wednesday, August 6, 2014

PANGULONG JEJOMAR BINAY?

KUNG ngayon isasagawa ang halalan, run away winner si Vice-President Jojo Binay, ito’y kung pagbabasehan ang latest survey results.


Sa sobrang kasikatan, pati si Pangulong Noynoy Aquino na consistent topnotcher ay winalis ni Binay sa pinakahuling mga survey.


Kung bakit bumaba ang rating survey ni PNoy ay marahil dahil sa isyu ng Disbursement Accelartion Program na kinasasangkutan ng kanyang administrasyon.


Dahil kasi sa DAP hullabaloo na idineklarang partly unconstitutional ng Supreme Court ay nagmukhang kontrabida si Noynoy kay Mang Juan.


Dahil sa isyu ng DAP, dumausdos hindi lang ang rating ni PNoy kundi pati ang Liberal Party na kanyang pinamumunuan.


At dahil bumaba ang rating, nagdedelikado ang pangarap ni Interior Secretary Mar Roxas na makatuntong sa Palasyo bilang kapalit ni PNoy.


Sa ngayon, iisa ang lengguwahe ng mga LP stalwart kapag natatanong kung sino ang kanilang pipiliin na isasabak sa pagka-Pangulo sa 2016.


Kung sino, anila ang makatutugon at magpapatuloy sa mga sinimulang programa ng Pangulo ang siya nilang susuportahan sa election.


Si Sec. Mar ang kanilang isinusulong pero paaano ito magiging Presidente kung ang kanyang survey rating ay palaging kulelat?


Kaya hindi nakapagtatakang may katotohanan ang ibinulgar ni Binay na may mga LP official na nais na siya ang kanilang susuportahan.


At ‘di maglalakas-loob ang mga kumakausap kay Binay kung walang hudyat o blessing mula kay Pangulong Noynoy, tiyak ‘yan.


Baka nga kamukat-mukat mo, eh, baka mismong si Pangulong Aquino at Binay ay sikretong nag-uusap na tungkol dito.


‘Di malayo nga na nag-uusap na, dahil kung ang panuntunan na susuportahan ng LP ay ang magpapatuloy sa mga sinimulan na ni PNoy, aba’y pasado si Binay.


Pero malaking problema ‘yan sa hanay ng LP dahil may mga opisyal at kaibigan na die-hard kay Sec. Mar dahil sa tinatamasang kita at kapangyarihan.


Sila yaong mga nakadikit sa DILG secretary na pinaghihinalaan ng kampo ni Binay na nasa likod ng paninira sa Bise-Presidente. Kung sino ang mga ito, ido-double check ko muna ang ibinulong ng aking informant.


Pero sa kabila ng paninira ay ‘di natitinag ang rating ni Binay, bagkus lalo pa itong sumisirit pataas.


Ibig lang sabihin, wa-epek ang paninira kay Pangulong Jojo Binay?


Kaya kayong naninira, may paglalagyan kayo kay Rambotito pagdating ng araw. Tiyak ‘yan! CHOKEPOINT/Bong Padua


.. Continue: Remate.ph (source)



PANGULONG JEJOMAR BINAY?


No comments:

Post a Comment