Wednesday, August 6, 2014

Pabuya sa paghuli sa daga vs leptospirosis, inalok

SA paglaganap na mga pagabaha nitong mga nakaraang linggo, nag-alok ang awtoridad sa Olangapo City ng pabuya laban sa itinuturing nilang bagong public enemy no. 1.


Sinabi ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino na hindi masasamang tao ang kanilang gustong lipulin kundi mga pesteng daga na nagkakalat ng sakit.


Sa bawat residente na makakahuli ng isang daga ay may katapat na P10 at P5 naman para sa mga maliliit na daga o “bubwit.”


Pero ang mga dagang mahuhuli ay kailangan maibigay agad sa awtoridad sa loob ng 24-oras matapos mahuli at dapat nakalagay sa selyadong lalagyan.


Ang hakbang aniya ng lokal na pamahalaan ay sa kabila ng wala pang kaso ng leptospirosis ang naiulat sa lungsod nitong mga nakaraang linggo.


Nitong nakaraang taon lamang, nagdeklara ang awtoridad ng leptospirosis outbreak kasunod ng mga pagbaha sa lungsod.


Ang leptospirosis ay isang sakit na nakukuha sa ihi at dumi ng daga.


Kabilang sa sintomas nito ay mataas na lagnat, masakit na kasu-kasuan, mapula o madilaw na mata, at paninilaw ng balat. Robert C. Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Pabuya sa paghuli sa daga vs leptospirosis, inalok


No comments:

Post a Comment