Tuesday, August 5, 2014

OFWs sa Libya, pinauuwi na ng Malakanyang

UMAPELA ang Malakanyang sa 12,000 Pinoy workers sa Libya na huwag isugal ang buhay sa pangambang walang trabahong daratnan sa oras na magdesisyong umuwi ng Pilipinas.


Ang Libya ngayon ay nababalot ng tensyon at matinding kaguluhan dahil sa sumiklab na giyera roon.


“Hindi ba tayo sasang-ayon sa proposisyon na kapag buhay na ang nasa panganib, pahalagahan natin iyong buhay at iligtas muna natin iyon. Kasi kung mangangatwiran pa tayo samantalang nagpuputukan na at nagkakamatayan na doon sa paligid natin at ayaw pa rin natin sumunod doon sa panawagan na mandatory repatriation at mandatory evacuation, tila masyado namang isinusugal iyong mahalagang buhay ng ating mga mamamayan,” anito.


Sa pag-uwi naman aniya ng mga OFWs na ay may trabahong maaaring iaalok ang pamahalaan para sa mga ito.


Nauna rito, sinabi ni Deparment of Foreign Affairs (DFA) spokesman Charles Jose na pahirapan ang pag-repatriate sa mga OFWs mula sa magulong Libya upang maligtas ang mga ito sa nangyayaring giyera.


Aniya, ginagawa pa rin ng pamahalaan ang lahat para masagip ang lahat ng OFWs sa nasabing bansa sa kabila ng sarado na ang lahat ng airport sa naturang bansa.


Selyado na rin ang mga land border exits sa Tunisia at Egypt kung kaya’t ang tanging opsyon ay ang pagpapasakay sa kanila sa barko.


Nakikipag-ugnayan na ang DFA sa International Organization for Migration (IOM) upang makakuha ng barko mula sa Malta na susundo sa mga OFWs sa Libya bago ilipat sa eroplano pauwi sa Pilipinas.


Idinagdag pa ni Jose na may 200 OFWs ang nasa airport ngayon at naghihintay pa ng kanilang repatriation. Kris Jose


.. Continue: Remate.ph (source)



OFWs sa Libya, pinauuwi na ng Malakanyang


No comments:

Post a Comment