Tuesday, August 5, 2014

MM inuulan ng todo

HINDI man direktang tatama sa kalupaan ang Bagyong Jose, nakataas pa rin ang yellow rainfall advisory sa Metro Manila at mga kalapit bayan kaugnay ng malakas na pag-ulan.


Sakop ng yellow alert ang Cavite, Batangas, Bataan, Zambales, at mga bahagi ng Laguna at Rizal.


Nagbabala rin ang PAGASA ng posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.


Ayon sa PAGASA, hinigop at pinalalakas ng Bagyong Jose ang Habagat na siyang nagpapaulan sa Ilocos region, Central Luzon at kanlurang bahagi ng Luzon.


Ayon kay PAGASA weather forecaster Manny Mendoza, humina at lumihis ng direksyon ang bagyo habang patungong Southern Japan.


Naitala sa 150 kilometro kada oras (kph) ang lakas ng hangin ng bagyo malapit sa gitna na may bugsong aabot sa 185 kph.


Mas bumilis pa ito sa 15 kph sa direksyong pahilaga hilagang-silangan.


Sa paglihis ng direksyon ni Jose pa-timog ng Japan, nabawasan umano ang bigat ng ulang babagsak sa mga lugar na apektado ng Habagat, ngunit naging mapagmatyag na ang mga dating apektado ng baha sa Marikina, Quezon City at iba pang bahagi ng Metro Manila.


Pumihit umano ang bagyo mas malapit sa silangan ng Taiwan at naging stationary, ngunit mas matinding pag-ulan ng Habagat ang asahang babagsak sa kanlurang Luzon sakop ang Metro Manila.


Huwebes ng umaga inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) si Jose. Nenet L. Villafania


.. Continue: Remate.ph (source)



MM inuulan ng todo


No comments:

Post a Comment